MANILA, Philippines - Ibinasura ng Comelec en banc ang apela ni Camarines Norte Gov. Jesus Typoco kaugnay sa naunang desisyon ng First Division na nagpapawalang-saysay sa prokla masyon nito dahilan para ideklarang tunay na nanalo sa gubernatorial race ng naturang lalawigan si Liberal Party (LP) bet Edgardo Tallado.
Sa resolusyon na nilagdaan ni Comelec chairman Jose Melo at lima pang poll body commissioners, matapos rebisahin ang kopya ng Municipal Certificate of Canvass mula sa Election Records and Statistics Division (ERSD) lumalabas na sa kabuuan ay nakakuha ng 79,969 boto si Tallado at si Typoco naman ay 79,904 kaya pinawawalang-saysay nito ang pagkakaproklama sa incumbent governor ng Provincial Board of Canvassers.
Nakatakda nang manumpa si Tallado anumang araw at manungkulan sa kapitolyo ng Camarines Norte bilang siyang tunay na nanalong gobernador. (Doris Franche)