Bakla at tibo di prayoridad sa AFP

May 6,700 bagong sun­ dalo ang target na kalapin ng Armed For­ces of the Philippines sa taong ito.

Ito ang inihayag ka­hapon ni AFP Public In­formation Office Chief Lt. Col. Ernesto Torres Jr. na nagsabi pa na ang mas mala­king pu­wersa na aabot sa 3,900 ay mapu­punta sa Philippine Army.

Kasabay nito, ipina­hiwatig ni Torres na maaari pa ring tang­gapin para maging sun­dalo ang mga bakla at tomboy pero hindi sila magiging prayoridad.

Mas uunahin anya sa pagsasanay ang mga tunay na lalaki at babae pero hindi ito isang klase ng diskri­minasyon.

Ang board na rin ng AFP ang magdedesis­yon kung pahihintu­lutan ang mga bading at tomboy na maka­pasok sa hukbo pero ito’y kung makakapasa ang mga ito sa eksa­minas­yon na bukod sa pagsusuri sa intelligence quotient ay ida­daan rin sa physical fitness test, neuro, psychological test at iba pa. (Joy Cantos)

Show comments