Kailangan nang makumpleto ang poll automation sa Hunyo ngayong taon, ayon kay Vice President Noli ‘Kabayan’ de Castro.
Sinuportahan ni de Castro ang pananaw ng Commission on Election (Comelec) chairman Jose Melo na ang full automation ang dapat maisulong sa halip na ang ‘hybrid’ system na kumbinasyon ng manual at automated na pabibilang ng boto.
Sinabi din ni de Castro na kailangang pabilisin ng Comelec ang conversion process at masigurado ang tamang paghahanda para sa automated system ng eleksiyon simula sa pagsasanay ng mga tauhan na magpapatakbo ng bagong poll technology. (Doris Franche)