Summer na - Pagasa

Pumasok na ang mainit na panahon sa bansa dahil umalis na ang northeast monsoon o malamig na hangin na galing sa northern hemisphere.

Ayon kay Nathaniel Cruz, chief ng Philippine Atmospheric, Geophysical and astronomical Services Administration, ang Northern hemisphere ay ta­unang nararam­daman sa bansa mula Oktubre hanggang Marso.

Ani Cruz, kapag kuma­wala na ang northeast monsoon, papalit naman dito ang mainit na hangin mula sa silangan ng Philippine Sea at ng Pacific Ocean.

Dahil summer na, pina­payuhan ng PagAsa ang pub­liko na magsuot ng pananggalang sa init ng araw tulad ng eyeglasses, payong at sumbrero upang hindi ga­anong mainitan ang katawan mula sa matinding sikat ng araw. (Angie dela Cruz)

Show comments