10,000 Euros pa ibinalik ni de la Paz

Muling nagsoli ng karagdagang 10,000 Euros sa account ng Philippine National Police (PNP) si dating PNP Comptoller Eliseo de la Paz.

Sinabi ni PNP-Finance Service Director Chief Supt. Rey Llanada na na-itransfer ang karagdagang halaga kamakalawa ng hapon sa account ng PNP sa Land Bank of the Philippines.

Bunga nito, sa kasalukuyan ay umaabot na sa 20,000 Euros ang naibalik ng Russian government sa pamunuan ng PNP.

Nitong Lunes ay nauna nang nagpadala ng 10,000 Euros ang kampo ni de la Paz na bahagi ng 105,000 Euros o higit sa P6 million na kinumpiska ng Russian authorities kay de la Paz.   (Rose Tesoro/Joy Cantos)

Show comments