World Bank nanindigan sa report

Pinanindigan kahapon ng World Bank ang laman ng report kaugnay sa na­tuklasang suhulan at ‘lu­tuan’ sa bidding ng mga road projects sa Pilipinas, pero tumangging magko­mento sa mga nasasang­kot na personalidad kabi­lang na si First Gentleman Mike Arroyo.

Humarap sa isang “informal technical briefing” si World Bank country director Bert Hoffman kung saan pinasalamatan pa nito ang mga senador partikular na ang Senate Committee on Economic Affairs dahil sa in

teres na ipinakita kaug­nay sa report ng WB na may kaugnayan sa Philippines National Roads Improvement and Management Program (NRIMP-1) Project.

“It is a distinct pleasure and privilege to be here today to brief you on various aspects of the World’s Bank’s processes and procedures with respect to its handling of allegations or suspicions of collusion, fraud or corruption in Bank-funded programs and projects,” sabi ni Hoffman sa mga senador.

Pero agad ding humi­ngi ng paumanhin si Hof­man sa mga senador dahil hindi nila maaaring isiwalat ang mga detalye ng report kaunay sa sinasabing su­hulan at sabwatan sa bidding ng mga road projects sa bansa.

Ipinaliwanag ni Hoff­man na layunin ng kani­lang imbestigasyon na protektahan ang pera ng taumbayan ng kanilang mga miyembro kabilang na ang Pilipinas.

Aminado naman si Sen. Panfilo “Ping” Lacson na may immunity ang WB kaya hindi sila maaaring pilitin ng mga senador na magsalita at idetalye ang report. 

Samantala, ipinahi­watig ng mga executives ng World Bank na posib­leng ipahinto muna ang pagpa­ pautang sa Pilipinas kung hindi kikilos ang gobyerno kaugnay sa report nila tungkol sa suhulan sa bidding ng mga pro­yekto.

Sinabi ni Lacson na ma­linaw sa kanya ang pag­kakabanggit ng WB tungkol sa pagpapatigil sa pautang.

Sakaling gawin umano ito ng WB, isang malakas na mensahe ang nais iparating sa administras­yong Arroyo kaugnay sa korupsiyon sa bansa.

Matatandaan na bukod kay First Gentleman Mike Arroyo, nakalad­kad din sa isyu sina dating Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay at Jacinto Paras.

Show comments