MANILA, Philippines - Bumida ang Caloocan bilang Motorcycle Capital of the Philippines nang pangunahan ni Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang mahigit sa 5,000 motorbike rider sa isang Promotional Grand Motor-cade paikot ng lungsod.
Suot ang mga color-coded na uniporme at kasama ang may 50 motorcycle riders mula sa Reformed Department of Public Safety and Traffic Management, ang mga sumali ay hinati sa dalawang malalaking grupo – ang Southern at Northern group na batay ang pagkakahati sa dalawang pangunahing land area ng lungsod.
Ani Echiverri, maliban sa pagpo-promote sa ekonomiya ng siyudad, layon din nitong pataasin ang kamalayan ng publiko hinggil sa tama at ligtas na paggamit ng motorsiklo.
Tiwala naman si RDPSTM chief Alfonso Sta. Maria na ang naturang parada ay lilikha ng record bilang pinakamarami, pinakamahaba at pinaka-well organize na motorcade ng mga motorsiklo sa lungsod. Ani Sta. Maria, ang grand motorcade ay isa sa mga pangunahing tampok ng isang buwang selebrasyon ng ika-47 cityhood ng lungsod.