MANILA, Philippines - Kinilala ng League of Cities of the Philippines ang inisyatibo ni Vice Pre-sident Noli “Kabayan” de Castro upang linisin ang PNR right-of-way mula Bulacan hanggang Paranaque nang kanyang pagtuunan ng pansin ang pagresolba ng informal settlement at urban blight sa ginanap na 2nd natio-nal convention ng LCP sa EDSA Shangrila sa Mandaluyong nuong Biyernes.
Ayon kay LCP president Benhur Abalos Jr., tanging si de Castro lang, na Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) concurrent chairman, ang nagkaroon ng political will para ipatupad ang national relocation program.
Bukod dito, itinaas din ni Abalos ang pagtutulungan ng mga local na pamahalaan at HUDCC kung saan ang HUDCC ang catalyst at ang mga siyudad naman ang mga pangunahing tagapagpatupad ng urban services at housing programs.
Pinasalamatan naman ni de Castro ang LCP sa pagkilala nito sa HUDCC bilang malaking katuwang nito sa pagsusulong ng development goals ng bawat siyudad sa bansa. (Rudy Andal)