Jackpot sa superlotto, P260 milyon!

MANILA, Philippines - Umakyat na sa P260 milyon ang jackpot prize ng 6/49 superlotto sa susunod na draw date nito.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) spokesman Larry Cedro, wala pa ring tumama sa winning number combination na 16-10-12-39-47-07.

Ayon pa kay Cedro, hindi lamang ang premyo ng superlotto ang record breaking kundi maging ang kanilang day-to-day ticket sale mula noong nakalipas na linggo laluna kapag natatapat sa draw date ng superlotto.

Nagsimula ang mabi­lis na pag-angat ng pot money sa nasabing lotto game mula ng ginawang tatlong beses ang pagbo­la nito mula araw ng Linggo, Martes at Huwe­bes.

Pero sa kabila ng malaking nag-aabang na premyo, sinabi naman ni Cedro na hindi naman tama ang mga sabi-sa­bing dapat tayaan lahat ng numero para manalo dahil multi-miyon ang magiging katumbas nitong gastos. (Angie dela Cruz)

Show comments