MANILA, Philippines - Inabisuhan ni US Ambassador Kristie Kenney ang mga Filipino World War 2 veterans na mag-apply na ng kanilang mga claims para sa lump sum payment matapos lagdaan ni US President Barack Obama ang economic stimulus package.
Sinabi ni Amb. Kenney, gagawin ng US na mapadali ang claim ng mga Pinoy veterans na magsusumite ng kanilang mga claims dahil na rin sa halos lahat ng mga ito ay mahigit 80 years old na.
Aniya, hanggang sa mga lalawigan ay kanilang ipaabot ng personal ang pag-file ng mga claims ng mga beterano.
Nilinaw pa ni Kenney, ang maaring kumuha ng lump sum payment ay ang mga nabubuhay na veterans lamang na tinatayang aabot sa 18,000 at ang matatanggap nila ay $9,000 sa mga nakatira sa Pilipinas at $15,000 naman sa mga na katira sa US. (Rudy Andal)