MANILA, Philippines - Ipinagtanggol kahapon ng Malacanang ang ginastos ng gobyerno na P123 milyon sa pinakahuling presidential trip ni Pangulong Arroyo sa may 5 bansa.
Sinabi ni Executive Secretary Eduardo Ermita sa kanyang media briefing sa Malacanang, bagama’t gumasta ng P123 milyon para sa biyahe ng Pangulo sa Switzerland, Italy, Saudi Arabia, Bahrain at Estados Unidos ay naging mabunga naman ito.
Ayon kay Sec. Ermita, nakakuha ng pledges na multi-milyong dolyar na investments si Pangulong Arroyo kabilang na dito ang $200 milyon para sa agrikultura mula sa Saudi Arabia; $400 milyon investment para sa pagtatayo ng hotel ng Bahrain sa Makati; at $1.2 bilyon para sa textile exports sa US.
“It’s worth it. Can you imagine if the P1.2 billion in exports pushes through?,” depensa pa ni Ermita. (Rudy Andal)