Resulta ng review sa Alabang Boys hingi

Hinikayat kahapon ni Philippine Drug Enforcement Agency Major Fer­dinand Marcelino si Justice Secretary Raul Gon­zalez na ilabas ang re­sulta ng automatic review sa pagbasura ng kaso ng Alabang Boys. Sinabi ni Marcelino na wala nang dahilan upang hintayin pa ng Kalihim ang magiging resulta ng independent body dahil sa wala na­mang koneksyon ito sa kaso. Pero sinabi ni Gon­zalez sa hiwalay na pa­nayam ng mamamaha­yag na hindi maaaring ilabas ang resulta o resolution sa nasabing kaso dahil lalabag ito sa kautusan ni Pangulong Gloria Arroyo na hintayin munang matapos ang imbestigasyon ng independent body sa sina­sabing panunuhol ng Alabang Boys sa ilang prosecutor.

Nagpahayag naman ng tiwala si Marcelino sa kanyang intelligence officers na sangkot sa buy bust operation na nagre­sulta sa pagkakaaresto kina Richard Brodett, Jorge Joseph at Joseph Tecson na tinaguriang Alabang Boys. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments