Iginiit ng grupong Babae Ka na madaliin at pabilisan ng Ombudsman ang pag-usad sa kasong na isampa nila laban kay ZTE deal witness Jun Lozada.
Sa isang press conference sa Quezon City, sinabi ni Ruth Vazquez, presidente ng Babae Ka, isang non-governmental organization, na sumulat na rin sila kay Justice Secretary Raul Gonzalez na humihiling sa Kalihim na magpalabas ng hold-departure order (HDO) laban kay Lozada upang huwag itong makaalis ng bansa at tuloy mapagdusahan ang ginawang panloloko sa taumbayan.
Si Lozada ay kinasuhan ng naturang grupo sa tanggapan ng Ombudsman noong Marso 2008 ng kasong paglustay umano sa P15 Milyon pondo ng Philippine Forest Corporation (PFC) para pondohan ang life insurance nito, unliquidated cash advances, overprice contracts sa mga kumpanyang pag aari mismo ni Lozada, magarbo at maaksayang paggamit ng pasilidad ng gobyerno, paglabag sa Civil Service Laws at ang ilegal na pag-award ng lupain sa kanyang mga kaanak. (Angie dela Cruz)