P50 milyong imported fabrics nasabat

Nakumpiska ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) ang may P50 milyong halaga ng pinaniniwalaang smuggled fabrics sa Orani, Bataan.

Ayon kay PASG chief Undersecretary Antonio Villar Jr., ang nakumpis­kang kargamento ay naka-consign sa Evengs General Merchandise sa 104 Highway, New Cabalan, Olon­gapo City.

Sinabi ni Usec. Villar, nakatanggap ng intelligence report ang PASG-Task Force Subic na may dala­ wang 10-wheeler truck na may kargang misde­clared goods ang umalis sa Subic Bay Freeport at dumaan sa Tipo gate.

Inabangan ng mga PASG operatives ang nasa­bing trucks sa Tipo gate at sinundan ang mga ito pa­tungong Bgy. Doña, Orani.

Sinabihan naman ng cargo owner na si Neil Perez ang mga taga-PASG na didiretso sila sa Taguig City sa halip na Bataan hang­gang sa aprubahan naman ito ng PASG hanggang sa biglang dumiresto ang kargamento sa Orani din.

Nang makarating sa Orani ay natuklasan ng PASG ng buksan ang kar­gamento sa harap ni Perez at barangay official na si Ma­riano Allam Jr. na naglala­man ito ng 1,029 imported flat bundles at rolls ng fabrics gayung ang deklaras­yon na laman nito ay scrap na karton, plastic at kahoy kung saan ang binayaran lamang na duties at taxes ay P12,209. (Rudy Andal)

Show comments