Kababaihan, mahihirap prayoridad

Apat na pangunahing hakbangin para mapala­kas ang mga programa at polisiya ng gobyerno na nagbibigay proteksyon sa mga kababaihang mang­ga­gawa sa pribadong sektor at mga pamilyang kumikita ng arawan ang naaprubahan na ng House Committee on Labor and Employment na pinamu­munuan ni Rep. Mag­tanggol T. Gunigundo I ng Ikalawang Distrito ng lungsod ng Valenzuela.

Ang House Bill No. 642 ay naglalayong mag-es­tabilisa ng ‘lactation stations’ sa trabaho bilang suporta sa mga working moms at HBs No 445 at 3465 na nagpapalakas na­ man sa probisyon ng Labor Code na poprotekta sa mga kababaihang mang­­ga­ gawa laban sa diskrimi­nasyon sa trabaho pagda­ting sa usapin ng sahod, benepisyo, assignments, dismissal at anu­mang polisiya sa retrenchment.

Inaprubahan rin ang HB 1131 na nag­­papalakas sa prog­rama sa edukasyon ng mga manggagawa sa pa­ma­magitan ng mandatong libreng adult education, pag­sama sa karapatan ng mga kababaihan, gender equality, bene­pisyo, duties at responsibilities.

Umaasa si Guni­gundo na ang mga kaba­baihang manggagawa ay higit na magiging produk­tibong ka­sangga sa paglago ng eko­nomiya. (Butch Quejada)

Show comments