Public Attorneys Desk bubuksan sa Bureau of Immigration

Ilulunsad bukas ng Bureau of Immigration (BI) at Public Attorney’s Office (PAO) ang public attor­ney’s desk sa tang­gapan ng BI sa Intra­muros, May­nila upang makapag­bigay ng legal assistance sa mga Filipino at dayuhan na may­roong problema sa na­sabing kagawaran.

Napagkasunduan ng dalawang ahensiya ng gobyerno na magtalaga ng tatlong public attorneys sa tanggapan ng BI upang magbigay ng legal counsel sa mga Filipino complainants laban sa mga dayu­han na may reklamo dahil sa pagla­bag sa immigration, alien registration at iba pang paglabag sa batas.

Bukod dito magbi­bigay din ng legal counsel ang mga abogado ng PAO upang maipakulong ang mga dayuhan na may­roong deportation cases at ang mga wala ring abo­gado na hindi kayang magbayad.

Pamumunuan ni BI Commissioner Marcelino Libanan at PAO Chief Per­sida Acosta ang nasabing programa kung saan si DOJ Secretary Raul Gon­zalez ang ka­nilang ma­giging pana­uhin.

Sa ilaim ng kasun­duan ng BI at PAO, mag­ bibigay ng serbisyo ang mga abo­gado sa main office ng ka­gawa­ran sa Intramuros May­nila sa loob ng isang linggo.

Bibigyan ding ser­bisyo ng PAO ang mga dayuhan at Filipino na walang ka­kayahang mag­­­pa-notaryo ng apli­kasyon, dokumento at iba pang papeles. (Gem­ma Amargo-Garcia)

Show comments