1 sa bawat 10 Pinoy, may hika

Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga Filipino na nagkakaroon ng asthma, isinusulong na sa Senado ang isang panu­kalang batas na naglala­yong magkaroon ng pro­grama ang gobyerno kung paano ito malalabanan at maipaunawa sa mga ma­mamayan na ang nasabing sakit ay nakamamatay.

Sa pag-aaral ng International Study of Asthma and Allergies in Childhood (ISAAC), isa sa bawat 10 Filipino o 12 porsiyento ng populasyon ay nakakara­nas ng hika o asthma lalo na sa mga bata.

Sa Senate Resolution No. 3017 na inihain ni Sen. Antonio Trillanes, sinabi nito na ang nasabing pag-aaral ay nagpapatunay lamang na sa kabila ng ‘extensive knowledge’ at management kaugnay sa nasabing sakit, ay dapat pa ring pag-ibayuhin ang kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa nasabing ‘chronic illness’.

Mahalaga aniyang ma­ ituro rin sa mga pas­yente at kanilang pamilya ang lahat ng kaalaman tungkol sa nasabing sakit at kung paano ito epektibong ma­kokontrol.

Ayon kay Trillanes, ma­ituturing na ‘life-threatening’ o maaring malagay sa pa­nganib ang buhay ng isang may asthma kung hindi ito maayos na magagamot. (Malou Escudero)

Show comments