Sesyon ng Senado 4 days na

Gagawing apat na araw mula sa kasalu­kuyang tatlong araw ang sesyon ng Senado, o mula Lunes hanggang Huwe­bes, upang mas madag­dagan ang oras ng mga senador sa pagtalakay ng mga local bills.

Ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, ipapatupad ang 4-session days ng Senado simula sa susunod na linggo dahil tambak na ang mga panu­kalang batas na may ‘local importance’.

Mayroon na lamang 48 sesyon ang naiiwan sa second regular session ng 14th Congress na ayon kay Enrile ay dapat maga­mit para mahimay ang mahahalagang local at national bills.

Umabot na sa 963 pa­nukalang batas mula sa House ang naipadala sa Senado pero 148 pa la­mang sa mga ito ang na­bi­bigyan ng aksiyon ng Se­nado. (Malou Escudero)

Show comments