Riot sa Madagascar... Mga Pinoy di muna pinalalabas ng bahay

Pinayuhan ng Philippine Embassy sa Nairobi, Kenya ang mga mangga­gawang Pinoy sa Madagascar na huwag munang lalabas ng kanilang taha­nan upang hindi madamay sa naga­ ganap na riot sa Antana­narivo, ang capital nito.

Ayon kay charge d’af­faires Renato Villapando, wala pa naman umanong Pinoy na iniulat na nada­may sa naturang riot.

Masusi na rin aniya silang nakikipag-ugnayan sa mga Pinoy community sa lugar at nagtalaga na rin ng mga coordinators.

Tinatayang aabot sa may 250 na Pinoy ang nag­­tatrabaho sa Madagascar.

Nabatid na may 68 katao na ang nasawi sa riot na nagaganap sa Madagascar simula noong Lunes, kung kailan libu-libong anti-government demonstrators ang sumu­nog sa state broadcasting complex sa Antananarivo, gayundin sa isang oil depot at isang private TV station. (Mer Layson)

Show comments