P2 kaltas ng Unioil

Ibinaba kahapon ng Unioil Petroleum Philippines nang P2 ang presyo ng kanilang diesel at kerosene.

Ayon kay Chito Me­dina-Cue Jr., UPPI General Manager ng UPI, ang nabanggit na price roolback ay isa umanong regalo nila sa publiko para sa pagdiriwang ng Chinese New Year. 

Dahil sa rollback na ito ay ang presyo ng diesel ng Unioil ay aabot na lamang sa P28.50 habang ang kerosene naman ay P37.68. Hindi na gi­nalaw ang dating pres­yong P27.52. ng gasoline. (Ludy Bermudo)

Show comments