DOJ fiscals inabsuwelto ng NBI sa Alabang Boys

Inabsuwelto ng National Bureau of Investigation ang isang under­ secretary at mga prosecutor ng Department of Justice sa isyu ng P50-mil­yong suhulan kaug­nay sa kaso ng “Alabang Boys” at lumalabas na ‘hearsay’ lamang ang akusasyon.

Kabilang sa nasang­kot sina Undersecretary Ricardo Blancaflor, Chief State Prosecutor Joven­cito Zuño, Senior State Prosecutor Philip Kimpo, State Prosecutor Misael Ladaga at State Prosecutor John Resado.

Batay sa 33-pahi­nang rekomendasyon na isinu­mite ni NBI Special Task Force Head Agent Atty Arnel Dalum­pines kay NBI Director Nestor Man­taring, bukod sa walang sa­pat na ebi­densiya, wa­lang testigo silang hawak hinggil sa sinasabing pa­nunuhol ng kampo ng Ala­bang Boys upang ibasura ang kaso ng iligal na dro­ga na isi­nampa ng Philippine Drugs Enforcement Agen­cy. Hindi rin umano na­kipagtulungan ang whistle blower na si Major Ferdinand Mar­celino.

Pero hindi rin naging ganap na kasiya-siya kina Zuño ang desisyon ng NBI dahil nagawa na ang paninira sa kanila.

Inamin naman ni Zuño na nakahinga sila ng maluwag sa lumabas na imbestigasyon ng NBI dahil ang naging base­han ng mga ito ay ang merito ng kaso.

Nilinaw pa nito na ang grupo ng NBI na nag-im­bes­tiga sa nasa­bing usa­pin ay siya ring grupo na sumabat sa mga corrupt na prosecutor kaya ma­laki ang tiwala nila sa mga ito. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments