213 preso pinalaya sa loob ng 1-linggo

Umabot na sa 213 preso ang napalaya ng Korte Suprema noong nakalipas na linggo sa pamamagitan ng programang Enhanced Justice on Wheels (EJOW) at Increasing Access to Justice by the Poor sa Maynila, Caloocan, Cavite at Saranggani province.

Nasa 110 preso ang nadinig ang kaso at napalaya ng mobile court mula sa bayan ng Alabel, Sarangani noong Lunes habang 17 bilanggo naman sa Cavite Provincial Jail noong Martes.

Noong Huwebes naman ay 78 bilanggo ang pinalaya mula sa Manila City Jail at sa Manila Youth Reception Center, habang walong iba pa ang pinalaya mula sa Caloocan City Jail noong Biyernes.

Tiniyak ng Mataas na Hukuman na ang EJOW program ay patuloy sa pagsisikap na maibahagi ang hustisya maging sa malalayong lalawigan at masolusyunan ang problema sa pagsisikip ng mga kulungan sa bansa at pagtatambakan ng mga kaso sa court dockets. (Ludy Bermudo) 

Show comments