Barrio doctor kinilala

Dahil sa napaka­ra­ming tagumpay at serbis­yo na naibigay nito sa mga mahihirap na komu­nidad sa Southern Leyte, ginawaran ng The First Gentleman Foundation ng Grand Distinction Award for the Doctors to the Barrios (DTTB) Program Batch 21 ang isang batang doctor sa isina­ga­wang pagtatapos sa Tac­loban City.

Tumanggap ng P100,000 cash si Dr. Martin Parreno mula sa First Gentleman Foundation Inc. (FGFI) at all expense paid na bakasyon sa Hongkong kasama ang kanyang mga magulang.

Mula 2006, ang FGFI ay nagbibigay ng insen­tibo sa mga barrio doctors para mahikayat ang mga batang doctor na mag­bigay ng serbisyo sa mga mahihirap na komunidad sa halip na magtrabaho sa labas ng bansa.

Show comments