GMA, Simbahan nagsanib versus kahirapan

Nagsanib-puwersa ang Arroyo administration at Simbahang Katoliko upang labanan ang kahi­rapan.

Mismong si Pangu­long Arroyo at ilang high-ranking officials ng Roman Catholic Church ang nag­sagawa ng free medical consultation and medicines sa Don Bosco Parish sa Tondo, Manila.

Aabot sa 70 bata mula sa 17 barangay na nasa­sa­kupan ng parokya ang dinala sa Don Bosco compound sa North Harbor para sa feeding program ni Pangulong Arroyo, na dumalo upang panguna­han ang pagbibigay ng arroz caldo sa mga bata.

Ayon sa Pangulo, da­dalhin niya ang nasabing programa sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa tulong ng Simbahang Katoliko, partikular ng Caritas Manila.

Sa tulong ng mga pro­grama nito na nakadirekta sa pagpapaunlad ng ma­ hi­hirap, tinukoy ng Caritas ang 70 bata na natagpuan bilang malnourished batay sa kanilang edad, taas at bigat, ayon kay Helen Ore­to, Caritas operations OIC.

Nagpamudmod din ang Pangulo ng scholarships sa 70 parokyano — dalawa ang nasa elemen­tarya; 38 sa high school; at 30 sa college.

Para sa medical mission, nagdala ang Office of the President (OP) ng P150,000 halaga ng gamot na ipinamigay sa 1,000 pasyente.

Nagpadala rin ang PNP ng mga doktor at dentista para sa medical mission.

Show comments