Inihatid na sa kanyang huling hantungan kahapon ang namayapang ina ni dating pangulong Joseph Es trada na si Doña Maria Marcelo “Dona Mary” Ejercito sa San Juan Public Cemetery na dinaluhan ng nasa mahigit 2,000 katao na kinabibilangan ng mga kaanak, kaibigan at supporters.
Ganap na alas-12:30 ng tanghali ng ilagak sa kanyang nitso ang labi ng 103-anyos na si Donya Mary sa Ejercito Musoleum na pag-aari ng pamilya Estrada kung saan dito rin nakahimlay ang asawa nitong si Don Emilio Ejercito at mga kapatid ng dating pangulo na sina Tito, George at Connie Ejercito.
Napuno ng mga naggagandahang bulaklak ang daaanan papasok sa San Juan Cemetery kung saan 230 pulis ang nag-escort at nagbigay ng seguridad sa nasabing libing habang 10 pari din ang nagsagawa ng funeral mass.
Sa kanyang eulogy, ina lala ng dating Pangulo Estrada ang kabaitan ng kanyang ina at kung papaano siya nito pinangangaralan na magdasal sa Diyos.
Samantala, dumating kahapon sa burol ni Doña Mary si Executive Secretary Eduardo Ermita.
Sinabi ni Ermita na walang halong pulitika ang kanyang pakikiramay sa pamilya Estrada.
Bukod kay Ermita, dumalaw din ang anak ni Pangulong Arroyo na si Pampanga Rep. Mikey Arroyo, dating Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson at DOTC Assistant Secretary Reynaldo Berroya. (Edwin Balasa/Rudy Andal)