Eroplano sumadsad sa NAIA

Isang eroplanong beechcraft five-seater na may registry number na RPC 1970 ang sumadsad sa runway 06 ng Ninoy Aquino International Airport nang masira ang tatlong landing gear nito kahapon. 

Nagmula sa Pa­lawan ang eroplano na may kargang mga isda. Isinara ng mga awtoridad ang runway 06 para sa mopping operation. Wa­lang iniulat na nasak­tan.

Inilihis muna sa ibang paliparan ang ilang flight. Bu­malik lang sa normal ang runway 06 pag­karaan ng ilang oras. (Butch Quejada)

Show comments