Nagmukha umanong martial law sa Cebu kamakailan nang harangin si Joey de Venecia III at pinigilan sa pagsasalita sa isang forum sa loob ng paaralan sa Mactan Air Base.
Ayon sa report, hindi nagbigay ng dahilan ang mga opisyal ng Air Force sa ginawang paglapastangan sa karapatan ni de Venecia na gamitin ang kanyang kalayaan sa pagpapahayag ng opinion.
“Mahirap talagang maging Joey de Venecia,” hinaing ng negosyante.
Ni hindi umano pinapasok ang negosyante sa nabanggit na paaralan, na nag-imbita sa kanya upang magsalita sa harap ng mga estudyante at guro.
Ayon sa mga humarang na opisyal ng Air Force, ang kautusan na pigilan si de Venecia ay “galing sa itaas,” ngunit hindi binanggit kung sinong nakatataas ang nagbigay ng utos.
Minabuti naman ng negosyante na huwag nang igiit ang karapatan na lumahok sa nasabing forum upang maiiwas na mapag-initan ang mga karaniwang sundalo ng mga nakatataas sa ka nila.
Nakatakda sanang magtalumpati si de Venecia sa isang forum na inorga nisa ng mga estudyante at faculty ng Philippine State College of Aeronautics.
Lumipad patungong Cebu ang negosyante mula sa kanyang opisina sa Makati para mapagbigyan ang paanyaya ng paaralan at sagutin ang kanilang mga katanungan ukol sa mga pambansang isyu.
Nagpahayag naman ng panlulumo ang mga estudyante at guro sa nakahihiyang pagtrato sa kanilang panauhin, na naging prominente sa bansa dahil sa pagbubulgar ng anomalya sa pamaha laan.
Ipinaliwanag ni Prof. JM Sarsalejo, isang faculty member, na may naunang pahintulot ang mga opisyal ng Mactan Air Base ukol sa pagsasagawa ng forum kaya nabigla ang lahat nang harangin si de Venecia.
Isang aktibong tagapagtaguyod si de Venecia ng Alay sa Kawal Foundation, na tumutulong sa mga sundalo at mga pamilya ng mga kawal na nasugatan o namatay sa pagtupad sa kanilang tungkulin. (Butch Quejada)