Total ban sa aerial spraying

Gusto ng isang kon­gre­sista ang total ban sa pag­ gamit ng aerial pesticide sprays dahil delikado ito sa kalusugan ng isang taong makakalanghap ng nasa­bing kemikal at ma­aring mag­kasakit ng cancer, cerebral palsy, hika at birth defects.

Sinabi ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodri­guez, ang House Bill 5573 ay hing­ gil sa total ban ng ‘di­thane’, isang kemikal na ma­dalas gi­nagamit sa mga banana plantation ng mga mag­sasaka na nag-aalaga nito.

Ayon kay Rodriguez, delikado ang dithane dahil nadiskubre ito sa isang pag-aaral sa US Environmental Protection Agency na pue­deng mag­karoon ng mga sakit lalo na ang cancer, ang mga taong maka­kalanghap nito.

Sinabi ni Rodriguez, may siyam na pasyente na ang nama­tay sa sakit na cancer sa plantation site sa Davao City.

‘Pagsusuka, skin irritation, nausea at eye irritation ang mga reklamo ng mga magsasaka na exposed sa aerial fumigation,’ ani Rodri­ guez. (Butch Quejada) 

Show comments