Free insurance sa 1,200 media men

Aabot sa 1,200 mi­ yem­bro ng National Press Club (NPC) ang inaasa­hang makikinabang sa insurance benefits na ipagkakaloob sa mga media men sa tulong na rin ng Philippine National Red Cross (PNRC).

Ngayong umaga ay pormal na lalagdaan nina PNRC chairman at Chief Executive Officer Senator Richard Gordon at NPC President Benny Anto­porda ang Memorandum of Agree­ment bilang hud­yat sa isa sa napaka­gandang proyekto ng NPC ngayon para sa mga mamamaha­yag sa ban­ sa.

Inaasahang sasaksi sa MOA signing sina PNRC secretary general Cora­zon Alma de Leon; deputy secretary general Gwen Pang at iba pang opisyal ng NPC.

Sinabi ni Gordon, may 1,200 bonafide NPC members sa buong Pili­pinas ang itatala bilang mga ‘Platinum Members’ ng PNRC kung saan ay maari silang maka­kula ng P300,000 insurance package ng Prudential Guarantee and Assurance Inc.

Bahagi sa insurance package na ito ang ‘accidental death,’ disablement, dismemberment’ at unprovoked   murder & assault na nagka­ka­ha­laga ng P300,000. (Malou Escudero)

Show comments