Nagmamatigas nga yon ang mga taxi operators at drivers sa inilabas na desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mag-isyu ng resibo sa kanilang mga pasahero ngayong taon.
Sa pahayag ng Association of Taxi Operators in Metro Manila (ATOMM), masyado umanong ma laki ang gagastusin nila sa paglalagay ng electronic receipt machine sa kanilang mga taxi units na nagkakahalaga ng higit sa P80,000 bawat isa.
Hindi rin naman uma no ito ang solusyon upang matigil na ang talamak na pangongontrata at pagdadagdag sa singil sa pasahe ng maraming mga abusadong taxi driver dahil maaari namang hindi pa andarin ang metro kung mangongontrata.
Nagbanta pa ang gru po na kung igigiit sa kanila ng LTFRB na ipatupad ito, ipapasa nila ang gastos sa kanilang mga pasahero bagay na kinontra naman ng mga mananakay.
Sa kautusan na inilabas ni Lantion, maaari namang manual na mag-isyu ng resibo ang mga taxi driver sa kanilang mga pasa hero at hindi muna kailangan ng electronic receipt equipments.
Sinabi ng ATOMM na nagsampa na umano sila ng ‘deferment of the order’ sa LTFRB nitong Disyem bre 12 at hihintayin muna nila na magdesisyon si Lantion bago nila sundin ang kautusan.
Malugod na tinanggap naman ng mga mananakay ng taxi ang pag-iisyu ng resibo sa kanila ng mga driver kung saan nakala gay dito ang pasaheng kanilang binayaran, petsa, pangalan ng taxi, contact number at plaka nito.
Dahil dito, maaari na umano nilang tawagan ang operator na kanilang sinakyan kung may reklamo sila sa driver at kung may nai wan silang gamit sa loob ng sasakyan na kanilang nakalimutan. (Danilo Garcia)