Rent law palalawigin

Iginiit kahapon ni Vice-President Noli de Castro na kailangang palawigin ang pag-iral ng rent control law para sa kapaka­ nan ng mahihirap nating kababayan na walang sariling mga tahanan.

Ayon kay VP de Cas­tro, chairman ng housing and urban development coordinating council, inen­dorso niya ang Senate    bill 2884 ni Sen. Juan Miguel Zubiri na naglala­yong ma-extend sa susu­nod na tat­long taon ang rent control law mula Enero 1, 2009 hanggang Dis. 31, 2011.

Sinabi ni de Castro, ang panukala ni Sen. Zu­biri ay nagtatakda din ng limit sa pagtataas ng renta mula sa P10,000 pababa sa Metro Manila at urban areas at P5,000 naman sa ibang panig   ng bansa nang 10 percent lamang.

Aniya, ang pagpapa­ la­wig sa rent control law ay naglalayong mapro­tek­tahan ang mga low- income at middle-income na pa­mil­ya na nangungu­­pahan at walang sa­ riling mga tahanan. (Rudy Andal)

Show comments