Pinakamalamig na temperatura naitala sa Baguio City

Naitala kahapon ang pinakamalamig na tem­peratura sa Baguio City, ang summer capital ng Pilipinas.

Sa forecast ng PAG­ASA, umaabot sa 9. 6 deg­rees Celsius ang ma­tinding lamig ngayon sa lungsod at may posibili­dad pa umanong mara­nasan ang mas mala­mig na klima sa tina­gu­riang “City of Pines” at ilang bahagi ng lalawi­gan ng Benguet sa susu­nod na buwan ng Peb­rero dahi­lan sa tinata­wag na ‘Siberian wind.’

Bukod sa Baguio City, dumaranas din ngayon ng matinding lamig ang mga bayan ng Atok, Bu­guias at Bokod sa lala­wigan ng Benguet.

Samantala, tuluyan nang humina at nalusaw ang namumuong sama ng panahon na nasa ka­ra­gatang nasasakupan ng Visayas Region.

Sinabi ni Ludy Alviar ng PAGASA forecasting center, unti-unting nalu­saw ang nasabing sama ng panahon matapos lu­mapit sa kalupaan ng sila­ngang Visayas dahil naha­rang umano ito ng umiiral na tail-end ng cold front malapit sa Bicol Region.

Nilinaw naman ng opisyal na hindi pa ma­nunumbalik sa normal ang kalamidad sa na­banggit na lugar dahil sa panibagong low pressure area na nabuo na naman kahapon lamang ng madaling araw.

Huli itong namataan base sa satellite and surface data sa layong 260km sa silangan ng Surigao City, Surigao del Sur at bunga nito ay inaasahang tatagal pa ang maulang panahon sa malaking bahagi ng bansa. (Joy Cantos)

Show comments