BAGUIO CITY – Pa ngungunahan ngayong umaga ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang “unveiling” ng centennial historical marker ng “The Mansion” sa lungsod na ito.
Ang Mansion ang opisyal na residence ng Pangulo ng bansa at nagi ging official summer residence ng First Family. Naging tradisyon din na dito nagdidiwang ng Bagong Taon ang Unang pamilya.
Ang The Mansion ay itinayo noong 1908 at naging opisyal na summer residence para sa US-Governors-Generals.
Nasira ito noong 2nd World War at muling ki numpuni noong 1947. Mula noon ay nagsilbi na itong holiday residence at working office ng bawat Pangulo ng bansa sa tuwing bibisita sa Pines City.
Noong 1921 ay nagpulong sa The Mansion ang mga miyembro ng Second Philippine Legislature sa loob ng tatlong linggo.
Nagsisilbi rin ito para sa mga pandaigdigang kum perensya at mayroong “elegantly-designed” main building at guest house.
Ang main gate ng The Mansion House ay gawa mula sa “ornate iron work” na replica naman ng isa sa mga main gates ng Buckingham Palace sa London.
Paboritong pasyalan ng mga foreign at local tourists ang The Mansion kung saan ay nagpapa kuha sila ng souvenir photo sa gate nito. (Rudy Andal)