Laban sa nagbebenta ng iligal na paputok: Citizen arrest ikinakasa

Hinikayat kahapon ng Department of Interior and Local Government ang publiko na sila na mismo ang uma­resto sa pamama­gitan ng “citizen arrest” sa mga nagbebenta ng iligal na paputok nga­yong paparating ang Bagong Taon.

Isinagawa ni DILG Undersecretary for Public Safety Atty. Ma­rius Corpuz ang pana­wagan matapos ang mga ulat na patuloy pa ring namamayagpag ang bentahan ng iligal na paputok sa kabila ng pagpapalabas ng Philippine National Police ng listahan ng mga iligal na paputok.

Kung hindi naman umano kaya na mag­sagawa ng “citizen arrest” dahil sa takot ay maaari namang agad na lumapit sa mga pulis upang dito isum­bong ang mga ito. (Danilo Garcia)

Show comments