Baguio sinusugod

BAGUIO CITY – Kahit malamig ang temperature sa lungsod na ito na umabot sa 14 degrees celcius kahapon ay ma­rami pa rin ang pinili na mag­bakasyon sa tinagu­riang Pines City para sa­lubungin ang Bagong Taon.

Tampok na pasyalan pa rin ng mga local tourist para magpakuha ng kanilang souvenir photo ang gate ng “The Mansion” kung saan ay nag­ba­bakasyon din ang First Family.

Kahit malamig ang temperature sa lungsod na ito ay namamasyal pa rin ang mga bisita ng lungsod pero nakasuot sila ng kanilang mga jac­ket at nakasuot ng kani­lang bonnet.

Naging tradisyon na ng First family na gugulin ang kanilang New Year holiday sa The Mansion subalit kahit naririto si Pa­ngulong Gloria Macapa­gal-Arroyo ay hindi na­man ito nagbabakasyon sa kanyang trabaho bi­lang Ina ng bansa.

Kamakalawa ay pinu­long ni Pangulong Arroyo ang National Peace and Order Council at nakipag­saya ito pati si First Gentle­man Mike Arroyo sa Baguio at Benguet mediamen sa handog nilang Christmas party.

Bukas ay nakatak­dang magtungo naman si Pangulong Arroyo sa Sagada at Benguet para sa kanyang inspection at pagbisita sa mga pro­yekto ng pamahalaan. (Rudy Andal)

Show comments