Kasabay ng paggunita sa ika-40 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng Communist Party of the Philippines kahapon, tuluyan nang naglaho ang karisma nito sa publiko sa halos lahat ng sulok ng bansa. Ito ang inihayag kahapon ni Col. Daniel Lucero, hepe ng Civil Military Operations Group.
Sinabi ni Lucero na kung tutuusin ay wa lang dapat na ipagdiwang ang CPP dahil itinatatwa ito ng mamamayan lalo na ng mga biktima ng pangingikil at karahasan ng armed wing nitong New People’s Army.
Ang NPA, ayon sa opisyal, ay sangkot sa panana botahe ng mga establisyemento kabilang ang maraming cell site ng Globe Telecommunications na puwersahang kinokotongan ng revolutionary tax. (Joy Cantos)