Sgt. Pacquiao pinarangalan

Matapos na umani ng karangalan nang matalo sa ‘dream match’ si Mexican-Ame­rican boxer Oscar de la Hoya sa Las Vegas, Nevada, USA, binigyan kahapon ng award si Manny “Pacman” Pac­quiao sa pagdiriwang ng ika-73 taong aniber­saryo ng Armed Forces of the Philippines.

Pinangunahan na­man ni Pangulong Glo­ria Macapagal Arroyo ang pagbibigay ng pa­rangal sa mga military officers, enlisted personnel, military reservist na kinabibilangan ni Pacman at mga sibil­yang empleyado.

Si Pacman, may rang­gong Master Sergeant at isang reservist ng Philippine Army ay umani ng masigabong palakpakan mula sa mga manonood at ma­ging sa mga opisyal na dumalo sa okasyon. 

Binigyan ng Philippine Legion of Honor award si Pacman, bi­lang isa sa mga top awar­ dees matapos nitong matalo si dela Hoya. (Joy Cantos)

Show comments