Apat na miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na sangkot sa madugong pagsalakay sa Pearl Farm resort sa Samal, Davao noong Mayo 22, 2001 ang hinatulan ng korte ng pagkakakulong nang 20 taon.
Ayon kay Justice Undersecretary Ricardo Blancaflor, pinatawan ni Pasig Regional Trial Court (RTC) branch 266 Judge Paz Esperanza nang reclusion perpetua o pagkakakulong nang mula 20 at isang araw hanggang 40 taon at karagdagang indeterminate period of 8 years and 1 day para sa kanilang kasong homicide sina Halik Abdani, Javier Sampang alyas Sirri at Yusop Saddai.
Habang kay Saltimar Sali naman ay pagkakakulong nang 10 taon at isang araw at karagdagang apat na taon para sa kaso nitong homicide.
Pinagbabayad naman ang mga ito nang P125 thousand sa pamilya nang biktimang si Jimmy Culam bilang danyos habang 100 libong piso naman sa pamilya ng isa pang biktima na si Rolando Jara.
Kasabay nito ay ibinasura rin nang Pasig RTC ang kasong pamimirata laban sa apat dahil sa kawalan ng sapat na merito.
Base sa rekord ng korte, sinalakay ng apat na suspek at iba pang kasamahan nila ang Pearl Farm resort noong gabi ng Nov. 22,2001 na nagresulta nang pagkamatay ng dalawang nabanggit na sibilyan. (Gemma Amargo-Garcia)