Muling pinaalalahanan ng Department of Education (DepEd) ang mga guro sa mga pampublikong eskwelahan na ipinagbabawal ang magarbong Christmas party at bawal ang paghingi ng anumang kontribusyon sa mga estudyante.
Ayon kay DepEd Undersecretary Teodisio Sangil, kailangang sundin ng mga guro at pamunuan ng eskwelahan ang guidelines ng DepEd Order Number 74 series of 2008 na nagsasaaad na bawal ang anumang paniningil ng anuman sa mga estudyante para sa magarbong Christmas party at maaari lamang ito kung boluntaryo ang pagbibigay ng mga magulang ng mga bata.
“Christmas celebrations should be simple but meaningful, bearing in mind the true spirit of the season,” paliwanag ni Sangil.
Magsisimula ang Christmas break ng mga public elementary at high school student sa Disyembre 20, 2008 upang bigyan daan ang “holiday season” at magbabalik eskwela ang mga ito sa Enero 5, 2009. (Edwin Balasa)