Lady solon pumalag sa kikil isyu

Hinamon ni Buhay Party List Rep. Ma. Ca­rissa Coscolluela ang kila­lang urban planner na si Felino Palafox na panga­lanan ang opisyal ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na uma­no’y na­ngikil ng 18-percent ng contract price kapalit ng pag-apruba ng kanyang bid para sa isang proyekto sa loob ng Free­port zone.

“Palafox hides behind all these people who speak for him and has not been man enough to name the alleged extortionist,” wika ni Coscol­luela sa kanyang privilege speech.

Ginawa ng mambaba­tas ang speech matapos palutangin ng kampo ni Palafox ang ideya na isang Boy Coscolluela ang umano’y nangikil sa kan­yang tanggapan na Pala­fox and Associates.

“There is only one Coscolluela on the SBMA Board. He is my father; he was not involved in the bidding of this project, he never spoke to Architect Palafox or any of his staff engineers or architects about this project, and his name is not even Boy. Architect Palafox and his cohorts cannot even get their lies straight,” wika ni Coscolluela.

Ang walang batayang alegasyon, ayon sa mam­ba­batas, ang dumungis sa reputasyon ng SBMA at mga tauhan nito. “They have been unfairly crucified in the court of public opi­ nion,” wika ng lady solon.

Bunsod nito, hinikayat ni Coscolluela ang Ka­ mara na imbestigahan ang isyu upang lumitaw ang kato­tohanan at nang maparu­sahan ang may­sala at nagsisinungaling. (Butch Quejada)

Show comments