25 OFW nakakulong sa Kuwait

May 25 overseas Filipino worker ang nakakulong umano ngayon sa Kuwait at nangangailangan ng tulong mula sa pama­halaan. 

Ito ang ibinunyag ka­hapon ng grupong Migrante-Middle East, isang alyansa ng mga samahan ng mga OFW sa Gitnang Silangan.

Ayon kay John Leo­nard Monterona, regional director ng Mi­grante-Middle East, mayroon silang mga kinatawan na nakaka­bisita sa bilangguan at karamihan sa mga OFW na nakakulong ay mga Pilipinang mga biktima ng pang-aabu­so at pangma-maltrato ng kanilang mga employers.

Sinasabing tuma­kas ang mga nasabing OFWs sa kanilang mga employers kaya sila ipinakulong ng mga ito.

Inirereklamo rin nila na walang sinu­man mula sa Philippine Embassy o sa Philippine-Overseas Labor Office and Overseas Workers Welfare Administration ang bumi­bisita sa kanila sa bi­langguan upang ala­min ang kanilang ka­lagayan.

Ayon kay Monte­rona, ito ay taliwas sa pahayag ni Ambassador Ricardo Endaya na natutulungan ang mga nakakulong na OFW. (Mer Layson)

Show comments