Ill-gotten wealth ng mga Marcos ibayad na lang daw sa utang ng Pinas

Nakiusap kahapon kay Pangulong Arroyo ang   gru­po ng mga retired gene-rals na gastusin na la-mang laban sa krisis pang ekonomiya ang multi-billion dollar deposits na na-sequestered ng gobyerno sa pamilya Marcos.

Sa liham kay Justice Secretary Raul Gonzalez nina retired generals Angel Sa­dang at Eduardo Orpilla ng Ge-nerals for the Constitution (GENCON) at Guar­dians Forces Brotherhood Against Crime Internatio­ nal, hiniling ng mga ito na  alisin ang sequestration sa bilyong dolyar na itinu­turing na ill-gotten wealth ni dating   Pa­ngulong Ferdi­nand Mar­cos.

Bukod dito, sapat na rin umano ang naturang kaya­manan upang maba­ yaran ng gobyerno ang trilyones na utang pan­labas gayun­din ang iba pang domestic debt at mapondohan ang mga proyektong pang-impras­traktura ng gob­yerno

Mabisa rin umanong solusyon ang Marcos mo­ney sa lumalalang pro­ble­­ma sa kahirapan na nagi­ging dahilan ng insu­rek­si­yon at maging ng te­rorismo.

Nagpahayag ng panini­wala ang mga heneral na may kakayanan ang lide­rato ni Pangulong Arroyo na kumilos upang magamit ang nasabing ill-gotten wealth sa pangangaila­ngan ng sambayanang Filipino. (Gemma Garcia)

Show comments