Nasa full alert status na ang Philippine National Police (PNP) upang pigi lan ang posibleng paghahasik ng terorismo sa bansa kasunod ng pag-atake at panghohostage ng mga terorista sa Mumbai, India at ang takeover ng anti-government troops sa Bangkok Airport, Thailand na ikinasugat naman ng 11 katao doon.
Isang Pinoy ang sinasabing kabilang sa 314 sugatan sa India habang dalawa pa at kanilang mga misis ang inilikas. Gina gamot na sa di tinukoy na pagamutan ang Pinoy na sugatan.
Sa report, nilusob at pinaulanan ng bala ng mga armadong lalaki ang mga malalaking hotels, kilalang restaurant at dalawang train stations sa tinaguriang financial capital sa Mumbai.
Nagbunsod ito ng palitan ng putok sa pagitan ng pulisya at terorista sa dalawang sinalakay na hotel na nag-iwan ng daang patay habang ginawang hostage ang ibang naka-check-in na foreigners at ang iba ay na-trap sa ka guluhan.
Inako naman ng grupong Deccan Mujahideen ang nasabing pagsalakay sa email na ipinadala nila. Ayon sa grupo, palalayain lamang nila ang kanilang mga bihag kung pakakawalan ang lahat na nakakulong na mujahideen sa India.
Nabatid sa DFA na 520 Pinoy ang kasalukuyang nasa India at lima lamang dito ang nasa Mumbai.
Samantala, sinabi ni PNP Chief Director Gene ral Jesus Verzosa na patuloy ang kanilang intelligence monitoring laban sa mga naitayong ‘ terrorist cell’ ng mga teroristang grupo kabilang na ang sa Metro Manila, dahil na rin sa natanggap na intelligence report ng PNP na magsasagawa ng pambobomba sa mga 5-star hotels at mga kilalang malls sa Makati City ang mga teroristang grupo.
Bantay-sarado ngayon ng PNP ang MRT, LRT, malls, mga 5-star hotels, gayundin inilagay na sa red alert status ang NAIA Terminal 1, 2 at 3 at Manila Domestic Airport.
Bunga naman ng ka guluhan sa Bangkok airport, umaabot na sa 298 international flights ang nakansela at naapektuhan ang mga biyahe ng Philip pine Airlines at Cebu Pacific Airlines sa Pilipinas.
Ang grupong People’s Alliance for Democracy ang may kontrol ngayon sa Bangkok airport at humihiling na bumaba na sa puwesto si Thailand Prime Minister Somchai Wong sawat.
Inaakusahan si Wongsawat ng mga protesters na ‘tuta’ ng tinagurian nilang pugante at pinatalsik na si dating Prime Minister Thaksin Shinawatra.
Nakiramay naman ang Malacañang sa mga biktima ng terrorist attack sa India.
“The entire Filipino nation and Filipino around the world mourn with the families of those who died and were hurt because of the Mumbai attacks,” wika ni Deputy Presiden- tial Spokesman Anthony Golez.
“We condemn these terrorist attacks against mankind and we will be united with the entire Indian nation and the rest of the world in its quest to end terrorism the soonest possible time,” sabi pa ni Golez.