Jocjoc di na makakaalis sa Senado bukas

Mas malaki ang posibilidad na hindi na makaalis bukas sa Senado si dating Agriculture undersecretary Jocelyn “Jocjoc” Bolante kapag hindi na naman nito nakumbinsi ang Senate Blue Ribbon Committee na nagsasabi siya ng totoo dahil sa nakabiting contempt laban sa kanya.

Ipagpapatuloy bukas ang imbestigasyon ng P728 milyon fertilizer fund scam.

Ibinitin lamang ng mga senador kamakalawa ang planong pagpapakulong kay Bolante sa loob ng Senado pero siguradong hindi na ito makaaalis bukas kapag nagkabuhol-buhol na naman ang paliwanag sa fertilizer fund scam.

Sa caucus kamakalawa ng gabi,10 senador ang pumayag na ipa-contempt si Bolante upang ma­iku­long na ito sa detention room ng Office of the Senate Sgt. At Arms (OSAA) imbes na manatili ito sa house arrest.

Kung hindi makukumbinsi ni Bolante ang mga senador mas malamang na sa Senado ito magpapalipas ng weekend. (Malou Escudero)

Show comments