Nakatakdang bumalik ngayon sa Senado si dating Agriculture undersecretary Jocelyn “Jocjoc” Bolante upang humarap sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa anomalya sa fertilizer fund.
Pero taliwas noong unang humarap si Bolante sa Senado, hindi na si Sen. Alan Peter Cayetabo ang mamumuno sa blue ribbon committee kundi si Sen. Richard Gordon matapos magkaroon ng rigodon sa mga hinahawakang komite ang mga senador dahil sa nangyaring kudeta. Ayon kay Gordon, si Bolante pa rin ang naka-iskedyul na isalang sa hot seat bagaman may iba pang opisyal ng Department of Agriculture ang inimbitahan sa imbestigasyon. (Malou Escudero)