$25-M hingi ng Somali pirates

Humihingi kahapon ng halagang $25 mil­yon ang mga Somali pirates kapalit ng kalayaan ng 19 tripulanteng Pinoy at anim pang crew na sakay ng hinayjack na Saudi super-tanker Sirius Star sa Somalia.  

Ayon sa report, binig­yan lamang ng 10 araw ng mga pirata ang nagma­may-ari ng tanker upang umaksyon sa kanilang demand at nagbanta na may masamang mangyayari sa mga bihag kapag hindi naibigay sa takdang oras ang kanilang hinihingi.

Ang Sirius Star na sinasabing pinakama­la­king tanker na naglalayag sa karagatan ay may sakay na 29 crew kabilang ang 19 Pinoy, 2 Briton, 2 Poland citizen, isang Croa­tian at isang taga-Saudi.

TInangay ng mga ar­madong pirata ang nasa­bing tanker sa kanilang teritoryo sa Harardhere. 

Lulan din ng super-tanker ang tinatayang may 2-milyong bariles ng langis nang ito ay i-hijack.

Kasalukuyan nang na­kikipagnegosasyon ang Saudi government kasama ng employer ng mga seamen para sa ka­nilang agarang kalayaan.

Sa ngayon ay lumobo na sa 134 ang bilang mga Pinoy seamen na bihag ng Somali pirates. (Ellen Fernando)

Show comments