Inihayag kahapon ni House Speaker Prospero Nograles Jr., na hindi ma kakaabala sa iskedyul at mga aktibidad ng ibat-ibang komite ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panibagong impeachment complaint na isinampa laban kay Pangulong Arroyo.
Ayon kay Nograles, bagamat may mga mas importanteng bagay na dapat na talakayin at i-deliberate sa Kamara kumpara sa isyu ng impeachment, naniniwala aniya siya na hindi naman nito maaapektuhan ang mga side issues tulad ng impeachment.
Ang pahayag ay ginawa ng House Speaker makaraang sabihin ni Justice Committee Chairman Matias Defensor ng Quezon City na layunin nilang resolbahin kaagad ang reklamo sa pama magitan nang pagtatakda ng serye ng mga pagdinig.
Ani Defensor, sinimulan nila ang deliberasyon upang matukoy kung sapat ang porma at nilalaman ng reklamo bago ito tuluyang irekomenda para sa deli berasyon sa plenaryo o tuluyang ibasura.
Sinabi ni Nograles, bagamat sa kanyang personal na pananaw ay naniniwala siyang pag-aaksaya lamang ng oras, salapi ng taumbayan at hindi napapanahon ang naturang impeachment complaint, nasa mandato pa rin nila na aksiyunan ito.
Samantala, sumipot sa pandinig sa Kamara si dating Agriculture undersecretary Jocelyn “Jocjoc’ Bolante at gaya ng sinabi nya sa Senado iginiit nito na walang fertilizer fund scam. (Butch Quejada)