Inilunsad kahapon ng ibat-ibang organisasyon at kilalang mga personalidad ang Bantay Korte Suprema dahil magiging kritikal ang sitwasyon sa Supreme Court sa taong 2009 na, rito, pitong mahistrado ang nakatakdang magretiro.
Ayon kay dating Supreme Court Chief Justice Artemio Panganiban, layon ng Bantay Korte Suprema na matiyak ang transparency para sa gagawing pagpili ng mga susunod na SC Justices.
Nangangamba aniya sila na kapag mga ap pointee ni Pangulong Arroyo ang halos buong bilang ng mga mahistrado ng Korte Suprema ay mabago ang pananaw nito at mawala ang pagiging independent nito.
Kabilang sa mga bumubuo ng sa Bantay Korte Suprema sina Panganiban, Senator Francis Pangilinan na miyembro din ng Judicial and Bar Council, iba’t ibang legal academe, lawyer’s association at chambers of commerce.
Naniniwala si Pangilinan na mapanganib sa interes ng publiko ang pagtatalaga ni Pangulong Arroyo ng pitong mahistrado ng Korte Suprema sa susunod na taon. (Gemma Amargo-Garcia)