Muntik magka-engku wentro ang grupo ng PNP-Traffic Management Group (TMG), Airport Police Department at airport security guards matapos arestuhin ng TMG ang isang Airport police na rumesponde lamang nang magpasaklolo ang mga sekyu ng Ninoy Aquino International Airport nang sitahin ng TMG ang mga guwardya dahil sa malaking blinker na nakakabit sa ibabaw ng kanilang sasakyan.
Agad pinosasan ng mga operatiba ng TMG si APD Cpl. Roberto Abuel matapos na umano’y makipagtalo at pumalag nang sitahin sa gamit ng blinker saka dinala sa PNP Headquarters sa Camp Crame sa Edsa, Quezon City.
Sa report ng APD-Police Intelligence and Investigation Division, dakong alas-9:40 ng umaga sa 6-11, Brgy. Pildera II, malapit sa Old Domestic Road, nang rumesponde si Cpl. Abuel nang makatanggap ng tawag hinggil sa nangyayari sa pagitan ng TMG at security ng Lanting Security and Watchmen Agency na nagsisilbi sa buong paliparan.
Nang nasa lugar si Abuel ay nasaksihan nito na aktong tinatanggalan ng blinker ang service vehicle ng Lanting subalit pagkababa pa lamang umano nito ng sasakyan ay siya naman ang pagbalingan ng mga tauhan ng TMG dahil sa blinker din na nakakabit sa airport police mobile car.
Nangatwiran si Abuel sa TMG na rumesponde la mang siya sabay pakilalang miyembro ng Airport police, subalit imbes na pakinggan ay agad umano siyang pinosasan ng mga pulis at isinakay sa PNP mobile patrol.
Tangay din ng TMG ang APD mobile car na Mitsu bishi Adventure na may plakang SGH-793 na may body number 28 at maging ang sasakyan ng Lanting at mga security guards nito ay dinala sa Camp Crame.
Samantala, inutos na ni PNP chief Gen. Jesus Verzosa na imbestigahan ang naturang insidente at papanagutin ang may kasalanan dito. (Butch Quejada/Ellen Fernando)