Nagpahayag na kahapon ng pagtakbo sa 2010 Presidential elections si Makati City Mayor Jejomar “Jojo” Binay.
Inanunsiyo ni Binay ang kanyang ambisyon sa gitna ng selebrasyon ng kanyang 66th b-day kahapon ng umaga sa Makati City Hall.
Sa kabila nito, matatanggap naman umano ng alkalde kung hindi siya ang mapipiling standard bearer ng United Opposition (UNO) sa 2010.
Bukod kay Binay, una na ring nagpahayag ng pagtakbo sa 2010 presidential race sina Vice Pres. Noli de Castro, Senate President Manny Villar, Sens. Mar Roxas, Panfilo Lacson, Richard Gordon, Loren Legarda at MMDA Chairman Bayani Fernando. Maging si Sen. Miriam Defensor-Santiago ay naghayag kamakalawa na tatakbo rin.
Subalit bago pa man inihayag ni Binay na balak niyang kumandidatong presidente ng bansa na ging laman na ito ng ilang text joke kung saan ikinukumpara siya sa nanalong US president na si Barack Omaba dahil magkapareho umano ang kanilang kulay. (Rose Tamayo-Tesoro/Malou Escudero)